Bisi-bisihan talaga si Ogie Alcasid. Nasa audition pa lang ang Pinoy Idol kung saan siya ay judge, heto’t may bago na naman siyang show sa GMA 7, ang Da Big Show, ang latest noontime show ng GMA 7, na mapapanood bago mag-Eat Bulaga. Makakatapat nito ang Pilipinas Game Ka Na Ba? Hosted by Edu Manzano na isa sa malakas kumitang programa ng ABS-CBN ayon mismo sa isang top gun ng Kapamilya network. Kaya siguradong malaking challenge ito for Ogie.
Ang format ng show: Naaalala n’yo pa ba ang mga larong tumbang preso, patintero, piko at labanan ng gagamba? Ano kaya ang mangyayari kung bawat isa sa mga larong ito ay babaguhin at lilikhaing muli para umayon sa panlasa ng mga modernong Pinoy?
Sa naturang programa, apat na team na binubuo ng tatlong miyembro ang maglalaban sa isang serye ng mga larong Pinoy kung saan ang mga elemento ay ginawang dambuhala.
Panoorin ang mga team na patumbahin ang isang higanteng lata habang suot-suot ang higante ring tsinelas costume sa larong Tumbang Preso.
Makikita ang pagtatapatan ng lakas ng mga kinatawan ng mga team na nakasuot ng mga costume na dambuhalang gagamba habang pilit nilang inihuhulog ang kanilang kalaban mula sa tungtungang may taas na 20 feet. At tunghayan ang mga manlalaro na bumubuhat ng mga batong bola na may bigat na 30 pounds sa larong Giant Sungka.
Hmmm, parang nakakaaliw ito. Pero ang pinaka-grabeng hamon ng Da Big Show ay sa Giant Palayok na kailangang basagin ng mananalong team para mapanalunan ang jackpot prize. Kung hindi nila mabasag ang palayok, idadagdag ang premyo sa susunod na araw para lumaki ang jackpot prize.
Meron din silang cheer squad na may 20 miyembro at meron silang moral support mula sa anim na malulusog na dilag na tinaguriang Da Big Girls.
Magsisimulang mapanood ang Da Big Show sa April 21, Monday, before Eat Bulaga.
No comments:
Post a Comment