Samahan si Kuya Kim sa kanyang pagtuklas ng mga impormasyon, pagbusisi sa mga alamat, at pagsiwalat sa mga misteryosong bumabalot sa ating kapaligiran. “Sakop nito ang halos lahat ng uri ng kaalaman at hindi lamang limitado sa mga hayop. Para siyang Knowledge Power ni Ka Ernie Baron noon pero mas dynamic at mas maaksyon,” paliwanag ni Executive Producer Margie Natividad.
Maraming aksyon at pagsubok ang susuungin ni Kuya Kim sa kanyang misyong palawakin ang saklaw ng isipan. “Tumalon ako rito sa gilid ng mga bundok, nagbisikleta ako, nag-dive ako at naghanap ng susong nakamamatay sa ilalim ng dagat, humarap sa cobra. Talagang exciting at adventurous ang bawat episode ng Matanglawin,” sabi ni Kim.
No comments:
Post a Comment