“Sana nga kahit minsan ay makapanood kami ng sine pero, bilang respeto sa pamilya niya, hindi ko siya ipinagpapaalam, hindi na kami lumalabas, dun na lamang kami sa bahay nila,” paliwanag ng aktor na pumayag na namang gumanap ng role ng isang bading sa Manay Po 2: Overload.
“Wala namang problema sa akin, artista ako, dapat kong gampanan ang anumang role na i-offer sa akin. At hindi naman ako natatakot na mapagkamalang bakla dahil sigurado ako sa sarili ko. Wala akong problema pagdating dito,” pagtatanggol niya.
When asked kung di ba siya nagulat sa biglang pagiging mature ng roles ni Shaina, at kung wala ba siyang naramdamang selos sa pakikipag-halikan nito, sinabi niyang: “Para lang nabigla ako, at siguro pati rin siya pero, bahagi ito ng growth niya bilang aktres kaya naiintindihan ko, at wala pa naman akong karapatang magselos. Isa pa, nasa edad na siya para gumawa ng sarili niyang desisyon. Basta ako, di puwedeng maging kampante sa panliligaw ko sa kanya, lalo na pag maging girlfriend ko siya gagawin ko ang lahat para siya na ang maging huling babae sa buhay ko. At gaano man ako ka-busy, dinadalaw ko siya regularly sa bahay nila, mga dalawang beses isang linggo.”
Kapatid siya nina Polo Ravales at Jiro Manio, tatlo silang magkakapatid na puro mga bakla, si Cherry Pie Picache ang nanay nila. Bagong member ng cast si Rufa Mae Quinto, bilang isang baby maker dahil gusto na ni Polo na magkaanak at siya ang napili ni Polo na maging ina ng kanyang anak.
Source: veronicasamio, philstar
No comments:
Post a Comment