Thursday, June 10, 2010

The Albert Martinez-Gabby Concepcion Face Off in "Kung Tayo'y Magkakalayo"

Isinantabi temporarily ng real-life friends na sina Albert Martinez at Gabby Concepcion ang kanilang friendship para sa kanilang face-off scene sa teleseryeng "Kung Tayo'y Magkakalayo" this week.



"It's always comfortable working with a friend," Albert said. "Hindi mahirap maka-eksena si Gabby kasi we had a lot of chances na makatrabaho ang isa’t isa before," he added.

Meanwhile, nai-share naman ni Gabby na noong kinukunan ang kanilang confrontation scenes, hindi niya muna inisip na matalik na kaibigan niya si Albert para lumabas na makatotohanan ang scene. "I have to make the scene look like real kasi. Kaya sometimes, di ko iniisip na magkaibigan kami. But of course, para lang yun sa eksena," Gabby quipped.

Sa pagpapatuloy ng "Kung Tayo’y Magkakalayo", nagbukas ng mas marami pang unexpected turns ang pagkamatay ni Celina (Maricar Reyes). Magsasagawa naman ng imbestigasyon si Robbie (Gerald Anderson) about Ringo (Coco Martin). Sa huling pagkakataon, magkakatatapat sina Steve (Gabby) at Frank (Albert) kung saan may isa sa kanila ang mamamatay.

Humanda sa isa na namang unexpected revelation sa "Kung Tayo'y Magkakalayo" sa ABS-CBN, weekdays after Agua Bendita.

No comments:

Post a Comment