Saturday, June 14, 2008

M. Night Shyamalan's "THE HAPPENING" Movie Review

by: Jun Lana

Inabangan ko talaga ang pelikulang ito. Feeling ko dito babawi si Shyamalan pagkatapos siyang laitin ng buong universe sa Lady in the Water. 11 am pa lang nasa Shangri La na ako para manood. Eh 12:45 pa pala ang 1st screening. OA. Huling beses na inabangan kong magbukas ang sinehan, may career pa si Nora Aunor. Nahila ako ng mommy kong manood ng Ang Totoong Buhay ni Pacita M. Siyempre panay Noranians ang kasabay namin. Tuwing may dramatic moment si Ate Guy, nagpapalakpakan ang fans. At may mga taong pumupwesto sa harap ng screen pag may close up si Ate Guy at nagpapapiktyur. How bakya, sabi ko sa sarili ko. Siyempre feeling ko sosyal ako. Naloka ako nung biglang maglabas ng camera ang mommy ko at gustong magpapiktyur din.

Pero aamin ko, pagdating kay Shyamalan, kasing diehard ako ng mga Noranian. Nilagay ko siya sa google alert ko. Kaya linggo-linggo may chika ako tungkol sa kanya. At inorder ko pa sa Amazon yung The Man Who Heard Voices kung saan ikinuwento niya lahat ng kalbaryong pinagdaanan niya para lang maproduce ang Lady in the Water. At dahil dun lalo akong bumilib sa kanya.

Kaya eto depressed ako. Dahil mahirap tanggapin pag pumapalpak ang idol mo. Katulad ito ng depression ng mommy ko nang manood kami ng ’Merika ni Ate Guy. Tatatlo lang kami sa loob ng sinehan. At yung pangatlo eh usher pa. Pero kahit papano may angking ganda naman ang ‘Merika. Eh etong The Happening? Hay. Di ko alam kung saan magsisimula.

Ang unang-unang mapapansin mo eh kung gaano kasama ang acting. Diba na-nominate dati itong si Mark Wahlberg para sa The Departed? Anong nangyari? Aba eh talo pa niya ang nag-workshop sa Batibot kasabay nina Pong Pagong at Kiko Matsing. Panay boses, yung mukha hindi nagbabago. Buti sana kung puppet siya. Sana nagbuhad na lang siya. Baka mas naging effective ang portrayal niya.

Ilang beses daw ni-rewrite ni Shyamalan ang script nito. Suspetsa ko, nung mga panahong yun, tumigil din siya sa panonood ng pelikula. Kaya hindi niya siguro napanood ang Right at Your Door na naka-sentro din sa isang lalaki, at yung paranoia niya tungkol sa mga nangyayari sa paligid niya. Kasi kung nasilip man lang niya ito, baka hindi na niya itinuloy ang The Happening. Although tungkol sa terorrism ang Right At Your Door pareho sila ng tone at motiff. Parehong tumatalakay sa ecological disaster at paranoia. Yun nga lang, di hamak na mas pulido at entertaining ang Right At Your Door. At gaya ng mga pelikula ni Shyamalan, meron din siyang twist sa dulo. Yun ang wala sa The Happening. Siguro nagsawa na si Shyamalan. Pero sana nag-isip siya ng matinong ending. Kasi wala ring ending ang pelikula. Kung saan-saan ka dinala, tapos parang naisip na lang niya, hmmm 1 hour and 20 minutes na, kailangang tapusin ko na ‘to.

Sobra akong disappointed kay Shyamalan gusto kong i-quote si Melanie Marquez nung interbyuhin siya ni Inday Badiday at tanungin kung ano ang message niya sa kaaway niyang mother-in-law: "Ate Luds, I have to say this in English because I want her to understand what I'm saying. This is what I want to say... Mommy- (breathes deeply) Ang labo mo!"

Mr. Shyamalan, labo mo.


No comments:

Post a Comment