Ayon sa report ni Korina, sa halip na 500 mg, diumano'y 4.4 mg lang ang glutathione content ng Lucida DS at 5.4 mg naman ang sa Vaniderm. Pinasinungalingan ito ni Ms. Galindez.
Ayon pa kay Ms. Galindez, hindi lang sa iisang lugar nila balak magsampa ng demanda. Sasama rin sa pagdedemanda ang kanyang business partners. "Sasampahan namin next week si Korina sa Polomolok, Davao. Ganoon din ang mga business partner ko sa Iloilo, GenSan [General Santos City], Cagayan De Oro, Cebu, Iligan, Koronadal, Zamboanga. Lahat po nationwide."
Balak din daw nilang sampahan ng demanda si Korina sa Malaysia, Dubai at sa U.S. kung saan may mga distributors ang United Shelter Health Products.
Naglabas na nga ng official statement ang nasabing kumpanya sa ilang broadsheets at tabloids hinggil sa anila'y maling report ni Korina.
Balak din nilang gumawa ng posters na nakalagay ang official statement ng kanilang paglilinaw at larawan ni Gabby na ididikit sa mga botika para mabasa rin ng mga tao.
Dahil dito, mukhang hindi na rin itutuloy ng naturang kumpanya na maglagay ng commercial ng kanilang mga produkto sa ABS-CBN 2.
Kung hindi mareresolba ang gusot na ito, apektado rin ang ipalalabas na serye si Gabby with Claudine Barretto na Iisa Pa Lamang dahil malaking bagay ang TV commercial ng Lucida para sa programa.
Next week, may surprise visit din sa isang ahensya si Ms. Galindez at si Gabby para kumuha ng document support na hindi peke ang naturang produkto.
No comments:
Post a Comment