Wednesday, December 15, 2010

Albie Casino Got in Trouble Because of Kathryn Bernardo?


Kung napukaw ng ‘Mara Clara’ noon ang puso ng pamilyang Pinoy, walang pinagkaiba ang maka-bagong ‘Mara Clara’ dahil tuloy-tuloy ang pagarangkada ng naturang primetime series sa ABS-CBN sa nationwide ratings.

Ayon sa pinakahuling nationwide ratings result ng Kantar Media noong December 13 (Lunes), hindi pa rin matinag-tinag sa unang puwesto ang ‘Mara Clara.’ Nagkamit ito ng 28.7% na rating habang ang katapat naman nitong programa, ang ‘Grazilda,’ ay nakakuha lamang ng 15.7% na national rating.

Samantala, painit ng painit ang alitan nina Mara (Kathryn Bernardo) at Clara (Julia Montes). Mas marami pa ang nadadamay sa away ng dalawa. Sa kabilang dako, magtataka si Vanessa (Cherry Lou) kung bakit naka shades si Christian (Albie Casino). Malalaman nito na nagka-black eye si Christian dahil kay Mara. Dahil sa nangyaring ito, pagsasabihan ni Vanessa si Christian na layuan si Mara.

Lalayuan nga ba ni Christian si Mara dahil sa kanyang natamo? Sundan ang mga susunod na tagpo sa ‘Mara Clara’ pagkatapos ng ‘Noah’ sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment