Monday, October 18, 2010

Bayaning Pilipino Awards - 2010 Finalists


Launched in 1995, the annual Bayaning Pilipino Awards is a brainchild of the late Don Eugenio Lopez Jr, the founder of ABS-CBN network, through a partnership with Ugat Foundation.

Since then, it has awarded notable Filipinos who had stretched the whole nine yards in the name of public service.

The nationwide award-giving body has 3 categories: Bayaning Pilipino, Bayaning Kabataan, and the Bayaning Samahan.

Annually, entries are collated by regional promoters including ABS-CBN radio and TV stations nationwide. The entries are then forwarded to the Central Office to be sorted out by Ugat project associates.

This year, 57 entries were received by ABS-CBN and Ugat Foundation nationwide and from Japan and the United States.

The project associates then do site visitations, interviews, testimonials, video documentation, and verification procedures.

After a rigorous pre-validation process, the National Screening Committee is tasked to verify the regional finalists and the regional winners.

Eleven were declared regional winners in the Individual category, 4 in the Youth category, and 3 in the Individual section.

From the regional winners, the number were cut down to 5 finalists and the names will be forwarded to the Board of Judges of final deliberation.

The Board of Judges is composed of Eugenio Lopez III, Regina Lopez, Dr. Ambeth Ocampo, Luther Calderon, and Dr. Arthur Tansiongco.

Through short films aired on ABS-CBN channel 2 last Sunday, the public witnessed the stories of Rex Bernardo, Welthy Villanueva, Beatriz Evangelista, Jose Antonio Socrates and Norberto Puasan.

After watching the clips, some 100 members of the audience were made to vote for one finalist through the Wireless Audience Response System (WARS) for the People's Choice Award.

Partial results showed that more than 50% of the audience preferred Villanueva, a doctor who goes to Palawan's far-flung areas to teach and to provide medical services.

The official results of this year's Bayaning Pilipino Awards as well as the People's Choice Award, which include online and SMS votes, will be announced the during Awards Night set on November 4.

Here are the profiles of the Bayaning Pilipino finalists:

Rex Bernardo (Region 5)

Hindi nakapagtapos ng high school si Rex dala ng pangamba ng kanyang mga magulang na di niya makayanan ang hamon ng mundo sa labas ng kanilang tahanan. Natuto siyang bumasa at sumulat sa pamamagitan ng butihin niyang tiyahin na nagtiyaga sa kanyang magturo.

20-taong gulang na si Rex nang siya mismo ang magpasyang magpatuloy sa pag-aaral at makipagsabayan sa lipunan. Naipasa niya ang acceleration program para sa high school at agad nag-aral sa Trinity University.

Naging aktibo siya sa pamantasan at nagawang isakatuparan ang kanyang adbokasiya na magkaroon ng tamang pasilidad para sa mga kapwa estudyanteng may kapansanan kaakibat ang scholarship program na kanya ding isinulong bilang project coordinator.

Nang magbalik sa Daet, Camarines Norte naging abala siya sa pangangasiwa ng mga samahang tumutugon sa pangangalaga at karapatan ng mga may kapansanan sa kanilang local government at maging sa simbahan.

Nagsasagawa siya ng mga advocacy seminars katulong ang mga taong buo ang pangangatawan para sa mga taong may kapansanan. Masigasig din siyang nakikipagtulungan bilang Couples for Christ member sa Gawad Kalinga Projects ng simbahan kaagapay ang kanyang asawang si Mariz.

Isa ring Barangay Mentor si Rex para sa mga barangay na mabagal pa ang pag-unlad. Nagbibigay siya ng libreng pagsasanay upang maging matatag at makatayo sa sarili ang mga residente ng mga barangay na ito. Kasabay nito ay isinusulong din ni Rex ang alternative learning system (ALS) para sa mga out-of-school youth. Ang programang ito sa mga barangay ay sinusuportahan ng Asian Institute of Management International Movement of Development Managers kung saan isa siya sa mga aktibong miyembro.

Sa kabila ng kanyang kapansanan - ang kanyang mga paa, hita, binti at maging ang kanyang kanang kamay ay di na kapaki-pakinabang - nananatili siyang matatag sa buong pusong paglilingkod na walang hinahangad na anumang kapalit at ang tanging sandata ay ang kanyang talino.


Beatriz Evangelista (NCR)

Ang determinasyon na makatulong, katapangan, pagmamahal, at pagunawa sa kapwa ay ang mga katangian na nakikita kay Gng. Beatriz Evangelista. Kilala siya ng mga ka-kosa bilang Tita Betty, siya ang tanging Ina ng City jail, nakikinig at tumatanggap sa kahinaan ng mga “inmates”. Balo na si Tita Betty at kahit wala siyang anak ay biniyayaan naman daw siya ng higit sa isang libong anak at ito ay ang mga natulungan niyang preso sa City Jail.

Nagbibigay si Tita Betty ng Value Formation sa bagong inmates. Hangad nya dito ang maliwanagan at maibangon ang mga natuturuan nya sa sitwasyon na hinaharap ngayon. Maliban dito, siya din ang naging counselor, nanay at sandalan nila sa oras na bumabalik sa kanilang isipan ang hagupit ng kadiliman ng buhay-preso. Ang dalaw ni Tita Betty ang higit nilang pinahahalagahan, lalo na sa mga presong wala ng pamilyang nakakaalala.

Nagsasagawa siya ng mga kasanayan sa pamamagitan ng pangangalap ng donasyon s para sa mga pangangailangan sa loob ng kulungan. Hindi inalintana ni Tita Betty ang mga hamon na hinaharap niya doon. Tulad na lamang ng init at masangsang na amoy sa loob na pwedeng magdulot ng sakit, taas ng hagdanan na inaakyat niya halos araw-araw sa kabila ng kanyang edad at mga di inaasahang rayot sa loob. Patuloy siya sa pagtulong dahil batid niyang makapagbigay siya ng liwanag at haplos ng kalinga ng isang ina sa mga presong itinakwil na ng lipunan. Matapang at matiyaga siya sa mga hamong ito dahil ito ang nagiging daan ng mga preso upang marinig ang kanilang mga daing sa buhay.

Bago pa man siya nagawi sa City Jail, aktib na di siyang nakibahagi sa mga kababaihan ng Northern Luzon sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagtatatag ng Women In Christ sa liblib na mga pook nito.

Ang lubos na tiwala niya sa Diyos at positibong pananaw sa buhay na tumulong ng walang pag-aalinlangan para sa mga taong preso ang nagbigay daan na kilalanin siyang Ina dahil ang naihandog niya ay di lamang ang sarili kundi buong pusong paglilingkod.


Jose Antonio U. Socrates, M.D., (Region 4-B)

Si Doc Soc ay isang batikang DOG (doctor of medicine and geology). Lisensyado siyang magsilbi sa ibang bansa lalo na sa Europa pero mas pinili niyang mag-ikot sa mundo, magpakadalubhasa at maglikom muna ng pondo saka umuwi sa Pilipinas at magtayo ng sarili niyang foundation, ang Bahatala (Bahay Hawak Tayo Lakad)na pangunahing gumagamot sa mga may kapansanan sa buto.

Patuloy ang kanyang pananaliksik at pagpapayaman ng kaalaman, patuloy din ang kanyang panggagamot. Maliban dito malaki din ang kanyang tulong sa pamahalaan kung saan isa siya sa mga advisers ni Mayor Hagedorn ng Palawan sa usaping pangkalusugan at pang yamang kalikasan bilang isang doctor at geologist.

Siya ay isang malakas ng advocate ng tamang ethics para sa mga manggagamot at pinaglalaban niya unang una ang karapatan ng tao.

Tunay na kahanga-hanga at nakakamangha ang kanyang talino at likas na malasakit sa kapwa kahit walang hinihinging kapalit!


Dr. Welthy E. Villanueva, M.D.
(Region 4-B)

Sa kabila ng kanyang stage 4 breast cancer, hindi nagpapigil si Dr. Winky na ipagpatuloy ang kanyang misyon sa mga kabundukan bilang isang manggagamot at sa kalaunan ay naging tagapagdala na din ng edukasyon para sa mga batang katutubo na salat sa karunungan. Sa kanyang pakikitungo sa mga katutubo, isinuong niya ang kanyang sarili sa panganib maging sa mga nagaantabay na dagdag na karamdaman gaya ng pneumonia at malaria. Subalit ang mga ito ay di naging balakid sa kanya. Hindi rin nito nagawang igupo ang kanyang katawan na ipagpapatuloy ang nasimulan.

Kasama ng ilang mga kakilala, umaakyat sila ng bundok at tumatawid ng 16-30 ilog marating lamang ang mga lilib na tribo ng Batak. Sa una’y ang hangad lamang niya na maipaaabot ang medikal na serbisyo subalit nahabag ang kanyang puso sa lantarang panloloko sa mga katutubo ng mga taga-patag kung saan ang kanilang lupain ay naipagbibili sa mga ito kapalit ng isang radyo lamang. Dito umusbong ang kanyang pagnanais na magdala ng mga boluntaryong guro upang maturuan ang mga bata ng basic education. Sa una’y inakala nilang magiging maayos ang daloy ng klase sa mga bata subalit napuna nilang nahihirapang unawain ng mga ito ang leksiyon dala ng gutom. Kaya naman sinabayan din niya ito ng feeding program katulong ang mga boluntaryong guro bago magsimula ang klase.

Sa di kalaunan, nabuo niya ang Heavens’ Eyes Tribal Missions na ang layunin ay makapagbigay ng edukasyon at maipamulat ang maayos na pamumuhay at kalusugan para sa komunidad ng mga katutubo sa Batak. Nakikipag-ugnayan siya sa mga tribal communities, GOs at NGOs para maisakatuparan ang mga adhikain nito. Ang ilan sa mga pondo ayon kay Dr. Winky ay kadalasan bigay lamang mula sa mga kaibigan at kakilala. Mula sa programang ito, may ilan na din nakapagtapos ng sekondarya mula sa School of Tomorrow Accelerated Christian Education Curriculum nito. Sa taong ito ay malapit na din mairehistro sa SEC ang Heavens’ Eyes Tribal Missions at si Dr. Winky ang tumatayong Administrator at Direktor.

Sumusuka at nanghihina ng labis si Dr. Winky mismo sa kuta ng mga katutubo subalit ni hindi ito naringgan ng ano man reklamo at bagkus ay patuloy pa din na nagserserbisyo.


Norberto Puasan (Datu Mampinuhan)
(Region 10)

Ang pagiging Datu ay hindi lang isang titulo na basta-basta lang ipinagkakaloob ng kahit sino. Sa mga Tribong Higa-awnon sa Opol, Mismis Oriental, ito ay isang bansag na nakadikit sa isang pagkatao at kung anong uri siya; pananaw at ugali.

Ang pagiging “Datu Mampinuhan” ni Datu Norbeng ang nagpatanyag sa kanya kahit sa mga kalapit na mga katutubong Tribo. Si Datu Mampinuhan ay ang karapat-dapat sa pagtitiwala ng Kapwa Higa-awnon at mga hindi Lumad sa nasabing lugar.

Isa sa mga naging malaking hakbang na ginawa ni Datu Mampinuhan ay ang pag mapa ng kanilang Lupang Ninuno; ang Dulangan Unified Ancestral Domain Claim. Ang Ancestral Land o Lupang Ninuno, para sa mga Lumad ay nangangahulugan ng Buhay sa kasalukuyan at susunod na lahi ng mga Higa-awnon. Ipinagtibay ni Datu Manpinuhan sa pamamagitan ng tradisyonal na mga pagtitipon at ritwal ang pag angkin ng lupang ninuno sa tulong ng LGU at ahensya ng gobyerno.

Pinamunuan din ni Datu Mampinuhan ang pagbukas ng eskwela ng tribal traditional Knowledge o SIKAT, School for the Indigenous Knowledge and Tradition sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga ritwal at ang kahulugan nito, pagtuturo ng kanilang salita at mga oral traditions, mga sayaw at matandang kaugalian.

Sa kasalukuyan, kahit wala na ang dalawang paa, siya ay nagrerepresenta pa rin ng mga pagtitipon ng tribu kumunidad at sa lungsod man; nag sasagawa pa rin ng mga ritwal na akma sa mga pagtitipon ng tribu; naghuhusga pa rin ng mga mabibigat na kaso sa kututbong paraan; at tumatayo pa ring puno ng lupong tagapamayapa.

Si Datu Mampinuhan ay isang “shaman” o tribal-religious leader din. Siya ang nangunguna sa mga ritwal na pang espirtuwal sa mga pag titipon ng tribu. Siya ay naniniwala na ang Diyos ng kalikasan ng mga Kristiano at si Mambabaya (God-Provider) ng mga Higa-awnon ay iisa.


For the 2010 Bayaning Kabataang Pilipino, the nominees are the following:

Philbert C. Tungpalan, Laoag City, Ilocos Norte
Mark Aethen G. Agana, Koronadal City, South Cotabato
Wenceslao C. Arcuino Jr., Ormoc City
Hamodi L. Tiboron, Sultan Kudarat, Maguindanao, ARMM


For the 2010 Bayaning Samahang Pilipino, the finalist are the following:

Brgy. 15 Senior Citizens Association of Laoag City, Inc., Laoag City
Calapan Labor Service Dev't Cooperative (CALSEDECO), Oriental Mindoro
San Nicolas Ecological Association, Inc., Plaridel, Misamis Occidental


No comments:

Post a Comment