Sumali na sa mga adventures nina SpongeBob SquarePants at Dora the Explorer starting this Monday, July 26, sa ABS-CBN.
Mas lalo ngang gaganda ang gising ng mga chikiting kasama ang dalawa sa pinaka-famous at pinakamamahal na animated characters sa buong mundo na ngayo'y ganap ng Kapamilya ng ABS-CBN.
Makisabay na sa iba’t ibang byahe ni Dora pagpatak ng 8:30 AM at samahan siya sa paghahanap niya ng mga bagay o di kaya pagtulong sa mga taong nangangailangan. Talaga namang siksik sa impormasyon at kaaalaman ang bawat episode ng programa na magtuturo pa ng wikang Espanyol sa mga manonood.
Pagkatapos ng adventures ng latinang explorer ay sumisid naman sa kaibuturan ng karagatan kasama ang makulit na si SpongeBob SquarePants at makigulo sa kanyang pang-araw araw na buhay sampu ng kanyang mga kaibigan sa underwater city na kung tawagin ay "Bikini Bottom."
Nakuha nga ng ABS-CBN ang eksklusibong rights para i-ere ang mga programa ng Nickelodeon gamit ang iba’t iba nitong platforms.
"Malaki ang pagpapasalamat naming sa tiwalang ibinigay sa aming ng MTV Networks International lalo pa’t ang Nickelodeon ay isa sa pinakamalaki at talaga namang sinusundang brands sa buong mundo. Sigurado akong matutuwa ang mga kabataang Pinoy sa mga bago naming handog sa kanila tuwing umaga," sabi ni Leng Raymundo, Vice President para sa Program Acquisitions.
Ipapalabas din sa ABS-CBN ang iba pang kinahihiligang Nicktoons tulad ng "Avatar, The Legend of Aang," "Go Diego Go!," "The Adventures of Jimmy Neutron," "El Tigre," "Ni Hao, Kai-Lan," at "The Penguins of Madagascar."
Ang Nickelodeon ay isang network na inuuna ang interes mga kabataan, at ngayo’' network na pinakatinatangkilik ng mga kabataasn sa Estados Unidos. Ito ay pag-aari ng Viacom International na siya ring may ari ng sikat na music channel na MTV.
Huwag palalampasin ang pagsisimula ng mga adventures nina SpongeBob at Dora sa Lunes, July 26, 8:45 AM sa ABS-CBN.

No comments:
Post a Comment