Saturday, July 24, 2010

ABS-CBN Launches Multiplatform Coverage of President Noynoy First SONA


Walang Pilipino ang mahuhuli sa balita sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino sa Lunes, Hulyo 26, sa malawakang coverage ng ABS-CBN na sakop ang telebisyon, cable TV, radyo, at Internet.

Nasaan man ang Pilipino at anuman ang kanyang ginagawa, maaari siyang tumutok sa mga nabubuong balita simula umaga, sa aktwal na talumpati ni Aquino, maging sa malalim na talakayan sa nilalaman ng kaniyang kauna-unahang SONA sa ABS-CBN channel 2, Studio 23, ANC the ABS-CBN News Channel, DZMM TeleRadyo, DZMM Radyo Patrol 630, and www.abs-cbnnnews.com.

Para sa mga nasa tahanan, tutukan sa ABS-CBN at Studio 23 simula 3:45 hanggang 5pm ang buong kaganapan sa SONA. Para sa mga naka-cable naman, alas-otso pa lang ng umaga ay maaari nang manood sa ANC para sa mga balita at paghihimay sa isyu kaugnay ng SONA kasama ang mga batikang anchor nito at mga ekspertong kapanayam. Ito ang pinakamaaga at pinakamahabang coverage ng SONA na magpapatuloy hanggang The World Tonight kinagabihan.

Para naman sa mga motorista, making sa DZMM Radyo Patrol 630 para sa maiinit na ulat mula sa pinagkakatiwalaan niyong anchor at reporter sa Radyo Patrol. Nasa cable TV din ang DZMM TeleRadyo.

May live streaming din sa abs-cbnnews.com at live chat sa mga social-networking sites tulad ng Twitter, Multiply, at Facebook.

Pinatunayan ng ABS-CBN na ito ang pinipiling himpilan para sa balita ng bayan sa nakaraang inaugurasyon ni P-Noy noong Hunyo 30 kung saan nagtala ng rating na 23.1% ang "Panunumpa Sa Bayan The Aquino Inauguration" samantalang 21.7% lamang ang nakuha ng "Panata sa Pagbabago The Aquino-Binay Inauguration" ng kabilang istasyon ayon sa nationwide overnight ratings mula sa Kantar Media.

Huwag magpahuli sa isa nanamang makasaysayang araw sa Pilipinas sa pinaka-komprehensibo at pinakamalawak na coverage hatid sa bawat Pilipino ng ABS-CBN channel 2, Studio 23, ANC (SkyCable ch. 27), DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, at www.abs-cbnnews.com


No comments:

Post a Comment