Tuesday, April 12, 2011

The real identity of Alex Gonzaga's Character Will Be Revealed in "Babaeng Hampaslupa"


Para sa mga manonood ng tinututukang dramaseryeng Babaeng Hampaslupa ng TV5, mga makapigil-hininga at nakagugulat na rebelasyon ang magaganap ngayong linggo. Magbabalik na ang buhay na buhay na si George Wong (Freddie Webb), na dati ay inakalang patay nang barilin siya habang kausap si Helena Sy (Susan Roces) sa loob ng Wong mansion.

May makakatuklas na din sa tunay na pagkatao ni Grace (Alex Gonzaga) na siya ang tunay na heredera ng pamilyang Wong. Ang dating kasambahay na si Dora (Anne Villegas) ay aamin na din kay Charles (Jay Manalo) na siya ang dumukot sa anak nila ni Diana (Alice Dixson).

Hitik sa pasabog ang Babaeng Hampaslupa ngayong linggo kaya hindi ito dapat palagpasin. Mapapanood ang lalong gumagandang dramaseryeng ito ng TV5 gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 ng gabi pagkatapos ng Magic? Gimik!


No comments:

Post a Comment