Habang mainit na sinusubaybayan ang botohan sa Kamara sa impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez, naging mainit din ang diskusyon sa Twitter page ni Congressman Manny Pacquiao.
Inulan ng batikos ang boxing champ kung bakit siya absent sa plenaryo.
Nasa Baguio si Pacman para mag-ensayo sa laban kay “Sugar” Shane Mosley.
Sagot ng congressman kay Noemi Dado sa Twitter, "e di isumbong mo sa lolo mo hahaha. thanks."
Ikinagulat umano ito ni Dado.
"Ano ibig sabihin niya na 'magreklamo ka sa lolo mo? 'Dun ko lang nalaman na parang insulto," aniya.
Halos pareho rin ang nakuhang reply ng Twitter user na si @randrat mula kay Pacman.
Uminit tuloy ang diskusyon sa Twitter page ni Pacman.
May sumuporta sa pag-absent niya sa Kamara pero marami ring bumatikos.
Banta tuloy ni Pacman, buburahin na niya ang account sa Twitter.
Idinipensa naman siya ni House Speaker Sonny Belmonte.
"He's there (in Baguio), nag-tra-training. As far as I'm concerned, he's also garnering a lot of kudos for our country there," sabi ng kongresista.
Sabi pa ni Belmonte, kung sakaling si Pacquiao mismo ang nag-tweet, hindi kikilos ang liderato ng Kamara dahil labas naman sa gawain nya bilang kongresista ang pag-sagot sa Twitter.
Kinumpirma naman ng isang source na malapit sa kampo ni Pacquiao na mismong ang mambabatas ang nagti-tweet sa account na @CongMP.
Lunes ng hapon, binura na ni Pacman ang kanyang Twitter account.
Source

No comments:
Post a Comment