After strong earthquakes hit Japan and New Zealand, PHILVOLCS Director Renato Solidum Jr. said the Philippines is next.
Matapos yanigin ng malakas na lindol ang Japan at New Zealand, bibigyang-linaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director na si Renato Solidum Jr. ang diumanoy nagbabadyang lindol na paparating sa Pilipinas. Sasagutin ang lahat ng katanungan ng Bottomliners at ng taong-bayan kasama ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda ngayong Sabado sa “The Bottomline.”
May katotohanan ba ang kumakalat na isyung hinog na sa movement ang Marikina fault line? Ano ang mga lugar na sakop nito? Totoo bang hindi lamang sa Marikina at sa karatig-pook nito tumatakbo ang fault line kung hindi maging sa Bulacan hanggang Tagaytay? Ano ang estado ng ating mga real estates sa naturang fault line? May posibilidad bang magkaroon ng tsunami sa ating bansa?
Gaano nga ba tayo kahanda sa lindol? Payak pa ba ang “duck, cover and hold” bilang proteksyon? Ano ang dapat na reaksyon sa bawat intensity levels? Sapat ba ang Disaster Awareness at Preparedness campaign ng ating gobyerno? May kinahantungan ba ang Metro Manila eathquake impact reduction study? At saang lugar ang pinaka-ligtas na puntahan sakaling lumindol ?
Wag palalampasin ang “The Bottomline with Boy Abunda” pagkatapos ng primetime telecast ng Banana Split sa ABS-CBN.